Saturday, March 24, 2007

Sa Tubuhan

Sa ating paglalakad
Ang amihan ay malamig
Na daliring humahagod sa mga dahon
At may awit ang makinang na espading
Sa tubuhang yumuyuko sa hampas ng hangin.
Malambing na tanawin ang plantasyong mahimbing
Sa gabing pumipintig sa liyab ng mga bituin
Tulad sa isang di-malimot na panaginip
Ang paligid ay buntis
Sa simponya ng mga kuliglig.
Pagsapit natin sa isang lugar,
Sandali tayong tumigil sa ating paglalakad:
Sa magkahalong Ilonggo at Pilipino, sabi mo:
Tutuu ang narinig mo.
Dito sa gintayuan natin
Natagpo ang pito ka kasamang nawala.
Ginsalbeyds sang mga militar.
Simple lang ang dahilan
Napagsuspitsuhan.
Tumahimik ang mga kuliglig
Narinig yata ang maliit mong tinig.

(Mula sa "Kamao, Panitikan ng Protesta 1970-1986")

2 comments:

Rey said...
This comment has been removed by the author.
Rey said...

Kapatid na Donat!

Alam ko na kahit noon pa:
Daig mo pa siyempre si Neruda!

Lumakad, lumikha, umawit, tumula,
Kaibiga't kabisig,matinding makata:

Donato Mejia Alvarez.
Di kailanman kumukupas!

Rey
(Rey Romea Luminarias)
(R. Romea Luminarias)